Posts

  ANG GINTONG TANIKALA (Kuwentong-Bayan) Nagkakagulo ang mga bata sa gitna ng sala. Naghihintay sila kay Lola Ima. Sabik na sabik sila na marinig ang kanyang mga kuwento. Isang taon na ang nakaraan noong muli silang umuwi ng probinsiya. Raf: Ano ba, Mon? Huwag kang mag-akyat-baba ng hagdan. Baka ka mahulog. Mon: Ang tagal kasi ni Lola. Sabik na sabik na ako sa mga kuwento niya. Ann: O, hayaan na si Lola. Alalayan mo na. Mon: Lola, kuwentuhan po ninyo kami Lola: Diyaski kayong mga bata. Hindi pa nga ako nakakatapos magpakain ng mga manok.  Ann: Lola, kami na po ang gagawa iyon mamaya. Basta, magkukuwento kayo. Lola” Sige, ang ikukuwento ko sa inyo ay may kaugnayan sa gintong tanikala. Mga bata: Yehey!  At humanda na ang mga bata sa pakikinig. Noong araw, may mag-asawang nagngangalang Mang Ricardo at Aling Amelia. Ang babae ay mabait at masipag na maybahay. Samantala, ang lalaki ay tamad at naghihintay na lamang dumating ang suwerte sa kanyang buhay. Kaya naman, hirap na hi...
  Dapat ba o Hindi dapat maging batayan ng pagsasamahan ng mag-asawa ang pagkakaroon ng anak? (Maikling sanaysay)             Sa pag-aasawa ay kinakailangan ng mahabang oras at panahon para pagplanohan ito ng mabuti. Hindi madali ang tinatawag na “pag-aasawa”, dahil kapares nito ang pagiging responsibilidad, pagiging tapat sa isa’t isa at pagsasama sa hirap man o sa saya. Sila ay humarap sa Poong Maykapal na ngangakong aalagaan at magmamahalan ng habang buhay. Ang lalaki ay tinatawag na haligi ng tahanan, dahil siya ang magpapatibay ng pagmamahalan sa pamilya, habang ang babae naman ay tinatawag na ilaw ng tahanan dahil siya ang magbibigay ng liwanag at pag-asa sa tahanan. Ang anak naman ang nagbibigay kulay sa pamilya, dahil siya ang simbolo ng wagas na pagmamahalan ng kanyang magulang. Ngunit paano kung hindi mabigyan ng anak ang isang mag-asawa. Matatawag pa bang pamilya kung walang anak? May katuturan ba ang pagsasama ng m...
  Mga Pagsubok sa buhay ni Lito             Ang buhay ni Lito ay puno ng kasiyahan. Itinuturing niya ang kanyang sarili bilang maswerteng nilalang sa mundo, dahil sa kompleto ang pagmamahal na ibinibigay ng kanyang magulang sa kaniya. Wala na siyang hihingin pa, kundi ang makasama palagi ang kanyang ama’t ina. Nag-iisang anak lamang siya ng kanyang mga magulang, subalit mayroon siyang tatlong kapatid na mga babae sa unang asawa ng kanyang ina. Gustong-gusto niyang makita ang mga kapatid niya na nasa pangangalaga ng lola nito sa Leyte. “Ama at ina, nais ko pong makita at mayakap ang aking mga kapatid doon po sa leyte, maaari po ba?”, ang hinihinging kahilingan ni Lito sa kanyang magulang. “Aba! oo naman Lito, sa katunayan ay napagdesisyunan namin na magbakasyon sa susunod na taon sa lugar ng iyong ina.” wika ng kanyang ama. “Yeheey! maraming salamat po at nasasabik na po akong makilala sila ate”, ang sabi ni Lito na may kasa...
  Aklat  (Tradisyonal na Tula) Tila lahat ay uhaw sa kaalaman Mga bagay-bagay dapat matutunan Ngunit paano ito matatamasa Kung ang lahat ay nawalan ng pag-asa Na buksan ang aklat para sa pagbasa   Isang aklat ay puno ng karunungan Maituturing ito na kayamanan Napapalawak nito ang pagkatuto Ito ay parang naglalahad ng kwento Nagdudulot ng positibong epekto   Marahil, nawawala ang mga aklat Ang teknolohiya ngayon ay umangat Unti-unting nang nawawala ang bisa Mga aklat ay parang bang nagdudusa Iilan lang talaga ang nagbabasa   Kabataan ay babad sa telebisyon Kinalimutan ang aklat ng kahapon Ang aklat ay huwag dapat maitapon Bawat pahina, hatid ay pagkatuto Tunay na magagamit ito ng husto   Nawa’y, bawat aklat ay pahalagahan Simbolo ng liwanag at kasiyahan Magagamit ito sa kahit saan man Isa pa, hindi ito mapapalitan Ang aklat ay mahalagang kasangka pan
  Typography  (Makabagong Tula)   Ako’y nagbalik sa nayon na aking kinalakihan at nakita ko ang aming lumang bahay May pagbabago, subalit ang ala-ala ay nananatili at puno ng saya Lalo na ang ala-ala ng aking ina na kay hirap limutin Kay sarap sirawain ang mga kahapon ni ina Tunay na masaya at madarama ang init ng pagmamahal ng isang magulang Walang pagkukunwari at walang alinlangan, sadyang masarap sa piling ni ina at hangga’t maaari ay ayaw kung umalis sa tabi nya Sa kanya ko naranasan kung paano pangalagaan na walang anumang pangangamba at tuwa lamang ang makikita Pangangalaga ng Isang Ina Sulyap ni ina ang nakakapawi ng pagod ko Alam ko na hanggang ngayon ay hindi niya ako iiwan Ina, saan man ako magpunta ay alam ko na ako ay laging inyong binabantayan Ang tahanan natin ang naging saksi ng iyong walang humpay na pag-ibig mo sa akin Masakit mang isipin na wala kana ay hindi ako mawawalan ng pag-asa at muling...
A KO BILANG MANUNULAT               Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng isang manunulat? Paano maging mahusay na manunulat? Kailangan nga ba ng mga gabay para sa wastong pamamaraan ng pagsulat? Tila, ang mga tanong na ito ang gumigimbal sa aking isipan. Marunong akong mag-sulat at alam ko na marami din ang may kasanayan sa pagsusulat. Ganun  pa man, hindi lahat ay masasabing may hilig sa pagsusulat. Kapag ako naman ang tatanungin ay mayroon akong hilig sa pagsusulat, subalit hindi ko masasabi na ako ay may sapat na kasanayan sa pagsusulat. Datapuwa’t, gusto kong gumawa ng mga sulatin na likha ng aking makulit na kaisipan. Para sa akin, ang taong may pagpupursige sa pagsusulat, tiyak magtatagumpay.               Ang pagiging isang manunulat ay hindi karaniwang gawain ng taong nagsusulat.  Kailangan niya ng papel at panulat para magsimula sa gagawin n...