Aklat
Tila lahat ay uhaw
sa kaalaman
Mga bagay-bagay
dapat matutunan
Ngunit paano ito
matatamasa
Kung ang lahat ay
nawalan ng pag-asa
Na buksan ang aklat
para sa pagbasa
Isang aklat ay puno
ng karunungan
Maituturing ito na
kayamanan
Napapalawak nito ang
pagkatuto
Ito ay parang
naglalahad ng kwento
Nagdudulot ng
positibong epekto
Marahil, nawawala
ang mga aklat
Ang teknolohiya
ngayon ay umangat
Unti-unting nang
nawawala ang bisa
Mga aklat ay parang
bang nagdudusa
Iilan lang talaga
ang nagbabasa
Kabataan ay babad sa
telebisyon
Kinalimutan ang
aklat ng kahapon
Ang aklat ay huwag
dapat maitapon
Bawat pahina, hatid
ay pagkatuto
Tunay na magagamit
ito ng husto
Nawa’y, bawat aklat
ay pahalagahan
Simbolo ng liwanag
at kasiyahan
Magagamit ito sa
kahit saan man
Isa pa, hindi ito
mapapalitan
Ang aklat ay
mahalagang kasangkapan
Comments
Post a Comment