Typography
Ako’y nagbalik sa
nayon na aking kinalakihan at nakita ko ang aming lumang bahay
May pagbabago,
subalit ang ala-ala ay nananatili at puno ng saya
Lalo na ang ala-ala
ng aking ina na kay hirap limutin
Kay sarap sirawain
ang mga kahapon ni ina
Tunay na masaya at
madarama ang init ng
pagmamahal ng isang
magulang
Walang pagkukunwari
at walang
alinlangan, sadyang
masarap sa piling
ni ina at hangga’t
maaari
ay ayaw kung umalis
sa tabi nya
Sa kanya ko
naranasan
kung paano
pangalagaan na
walang anumang
pangangamba at tuwa
lamang ang makikita
Pangangalaga ng Isang Ina
Sulyap ni ina ang
nakakapawi ng pagod
ko
Alam ko na hanggang
ngayon ay hindi
niya ako iiwan
Ina, saan man ako
magpunta ay alam
ko na ako ay laging
inyong binabantayan
Ang tahanan natin
ang naging saksi ng
iyong
walang humpay na
pag-ibig mo sa akin
Masakit mang isipin
na wala kana ay hindi ako
mawawalan ng pag-asa
at muling ipagpapatuloy ko ang aking buhay
Pangako ina, ang
pagmahahal mo sa akin ay mananatili sa aking puso at isip
Comments
Post a Comment