AKO BILANG MANUNULAT
Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng isang manunulat? Paano maging mahusayna manunulat? Kailangan nga ba ng mga gabay para sa wastong pamamaraan ng pagsulat? Tila, ang mga tanong na ito ang gumigimbal sa aking isipan. Marunong akong mag-sulat at alam ko na marami din ang may kasanayan sa pagsusulat. Ganun pa man, hindi lahat ay masasabing may hilig sa pagsusulat. Kapag ako naman ang tatanungin ay mayroon akong hilig sa pagsusulat, subalit hindi ko masasabi na ako ay may sapat na kasanayan sa pagsusulat. Datapuwa’t, gusto kong gumawa ng mga sulatin na likha ng aking makulit na kaisipan. Para sa akin, ang taong may pagpupursige sa pagsusulat, tiyak magtatagumpay.
Ang pagiging isang manunulat ay hindi karaniwang gawain ng taong nagsusulat. Kailangan niya ng papel at panulat para magsimula sa gagawin niyang piyesa. Isangobra maestra na tuwa’t galak ang mararamdaman kapag natapos niyang gawin angsulatin. Magtatagumpay lamang ang manunulat kapag siya ay nagsusulat at ayon kinaSauco et al. (nd), sa simpleng pagpapakahulugan ang pagsulat ay ang paghahatid ng mensahe ng awtor opinyon man o mga kaalaman sa mga mambabasa sa tulong ngmga titik o simbolo at kalakip nito ang pagiging epektibo niya sa paghatid ng mensahe.Kaya, hindi mahihiwalay ang manunulat sa pagsusulat. Sa tuntunin ng pagiging mahusay na manunulat ay kailangan ng pagsasanay. Ako na bilang baguhan sa larangan ng pagsusulat ay dapat maihasa ko pa ang aking sarili sa pagsusulat upangbalang araw ay maging mahusay akong manunulat. Malayo-layo pa ang aking lalakbayin sa ganitong larangan, ngunit kahit anumang pagsubok ay aking haharapindahil magiging parte ito ng aking karanasan. Ang manunulat ay hindi lamang sila bastabasta nagsusulat, bagkus may sinusunod din itong pamamaraan tungo sa tagumpay na pagsulat. Kinakailangan ng mga wastong pamamaraan, gabay, at pagiging malikhain. Ang mga ito ay malaking tulong para maisakatuparan ko ang aking hangarin.
Hindi talaga biro ang aking pinasukang larangan. Ang mga taong nagsasabingmadali maging isang manunulat ay ang mga taong kulang ang alam sa ganitong larangan. Ako na bilang manunulat ay maglalaan ng pagsisikap at determinasyon napara magkaroon ng kasanayan sa pagsusulat. Isa sa mga angking lakas ko sa pagsusulat ay ang pagiging malikhain. Kaya, gagamitin ko ang lakas na ito para saaking mithiin. Hindi lamang, maging bukas sa mga opurtunidad ng pagsusulat. Sa hinaharap, nawa’y karapat-dapat na ako sa titulong manunulat.
Comments
Post a Comment